Entries "Latest Entries":

Thursday, June 15, 2006

BLOGAG!

Blog dito, blog dun ... Xanga, Blogspot, Blogdrive, Friendster, Multiply, Myspace, Livejournal, Yahoo 360, tapos eto naman Blogclot.  Susme, di ko na alam kung saan ako susuling.  

With all these blog engines na nagsulputang parang kabute, minsan ba sumagi ba sa isip ninyo kung saan nagsimula ang blogging? 

Well, kung kayo ang taong gahaman sa kaalaman, punta kayo rito:  

http://en.wikipedia.org/wiki/Blog  

Ngayon, kuwento ko naman kung papaano ako nalulong sa kaiga-igayang bisyo'ng kung tawagin ay "blogging" na aking sinimulan noon lang isang taon.   

Actually, ako naman eh napa-blog lang out of boredom.  Ikaw ba naman ang magkatawag-dili, kaysa gawing "workshop of the devil" ang aking "idle mind" eh mas minabuti ko'ng magsulat na lang.   

Blogger.com ang engine na napili ko k'se yun ang uso.  Nakakatuwang sa loob ng halos isang taon ay marami akong pinaligaya ng aking kakulitan at kababawan.   

A year after, SURF CONTROL na ang halos lahat ng blog engine, kasama ang aking engine, pero mabait pa rin ang mga tulisan dahil puwede pa ring basahin ang entries.  

Sorry, loyal akong tao kaya mananatiling sa "original" ako mag-a-update.  Buti na lang naimbento ang "link."   Punta na lang kayo kay Choleng.

Wish ko lang hindi masakote ng tulisan ang tuklas ni Chaq

»6:00 AM    »Write comment     »Send entry    

Posted by: gina387    in: Kung anu-anong balibag

Modified on June 19, 2006 at 9:16 AM