ang pakiusap ni yaya
Pag check ko ng celphone kanina meron 1 new message received. Binasa ko. Ang message:
"Ate, welcome pa ba ako sa inyo? Pwede po ba akong bumalik?"
Ang text message galing sa dating kong yaya. Di naman talaga sya yaya kasi di na alagain ang anak ko. Di lang ako sanay na tawagin syang katulong. Kahit ang anak ko di ko hinahayaang tawagin syang katulong. Pag tinanong mo anak ko kung sino yun, sasabihin nya syo kasama namin sa bahay or simply, si Ate Jen.
I can understand kung baket gusto nya bumalik. Hirap ang buhay nila sa probinsya. Sa amin di naman sya masyadong hirap. 3 lang kami, minsan 4 pag andito daddy ko. Di pa alagain ang anak ko. She has the privacy of her own room. Aside from Sundays off kapag nagpaalam sya na lalabas at andun rin lang naman either samin ni Alex, pede syang umalis.
Maayos naman sya sa bahay. Di na kailangang utusan. Di rin malikot ang kamay. Medyo isip bata lang ng konti at medyo maiksi ang pasensya sa bata.
Yaya-less kami for 2 months now. Nagpaalam kasi syang umuwi nung mid April. Nakabili na kasi sya ng celphone nya...yun ata ang goal nya kaya sya nagtrabaho. Wala naman naging problem sakin kasi bakasyon ng anak ko. I still have time to look for a replacement before magstart ang classes. My daughter was with my parents in Manila the entire summer. Kaso nagstart na ang classes pero wala pa rin kapalit.
Had she texted me 2 weeks ago, I could have taken her back... in a heartbeat.
Without a yaya, it's my Dad who does most of the work. Sya ang nanggigising sa baby ko sa morning. He drives her to and from school. Sya din nagmamarket at nagluluto. Minor linis sa bahay, sya rin. Samantalang ang tingin sa kanya ng mga former officemates nya e Don sya. Mayor domo pala hehehe. Pero seriously, nahihiya rin ako kahit tatay ko yun. Di rin consuelo na alam kong ginagawa nya yun out of love sa kanyang paboritong apo. Dati Friday palang nakakauwi na sya ng Manila at bumabalik nalang ng Sunday night pero since pareho kami ni Alex na may pasok ng Friday night, namove pa ng Saturday ang uwi nya.
Pero may advantages rin na wala kaming yaya sa bahay. I've seen the changes in my daughter. She's more responsible now. Mas conscious na sya of the house chores. She has her share at naeenjoy naman nya esp yung pagdidilig ng plants at yung pabili-bili sa store ng kung ano kulang sa pagluluto. She even washes our undies. Alam na rin nya how to keep her things together. Kapag Sundays general cleaning na kami para kapag weekdays e minor linis linis nalang para di na additional burden sa Daddy ko.
Ewan ko...i still need to talk this over with Alex. Ask ko rin Daddy ko how he feels baka sa susunod sya na lumuyas. Sabihin nun wala naman sya sweldo pero dami nya trabaho hehehe.
- »Permalink
- 1 Comments(0)
- Send entry
- Posted by:ria
- Digg this
- Save this
I've always been fascinated with the sight of sunsets. There's something about the sun setting that makes one feel melancholic or so they say. I've seen it in from different angles, from several different places. My love affair with sunset started when I was young. I was on board a bus from Arayat,Pampanga with my Lolo. We used to go there when I was little to celebrate my birthday which happens to be the town's fiesta...which reminds me...time and trips spent with my Lolo deserve an entry in my blog. Some other time, i guess. Promise!
Where was I? Ahh yeah, sunsets. As I was saying, I was riding the bus with my Lolo when I first fell in love with the sunset. Back then buses were not airconditioned yet. They used to have wooden windows that you need to slide up and down to open. If you leave in Pandacan I'm sure you've seen one of these. Boy, i'd sit by the window, insist that the window remain open. I loved the wind on my face. I couldn't care less if it ruined my hair. The trip was about an hour an half. There's not much to do except to look at the vast ricefields, count all the kotseng kuba on the road or form figures out of clouds (another thing I enjoy doing). My Lolo and I left Pampanga late in the afternoon that day and by the time we hit North Diversion Road (now NLEX ) the sun was almost gone. I was mesmerized. The fusion of red, orange, blue and gray was picturesque. It was so poetic. As if it was telling me a story.
The last time I saw the sunset was a few months back. I was on the 30th floor of the building where my office is. I was conducting a training when I looked outside and saw that the sun was about to bid the day goodbye. I asked the trainees to witness one of God's many wonderful gifts to mankind. It lasted less than 5 minutes. I looked at them after that; they weren't as affected as I was. Oh well. Maybe they haven't fallen in love yet...with sunset, at least.
- »Permalink
- 1 Comments(0)
- Send entry
- Posted by:ria
- Digg this
- Save this
sa gitna ng kaguluhan...
Habang nagbubunyi ang Japan sa pagkapanalo ng kanilang pambato sa Ms. Universe...
Habang ang mga environmentalists ay aligaga sa isyu ng global warming...
Habang patuloy ang giyera sa Iraq...
Eto ang balita sa Poland...
Poland to probe if Teletubbies are gay
WARSAW (Reuters) - Poland's conservative government took its drive to curb what it sees as homosexual propaganda to the small screen on Monday, taking aim at Tinky Winky and the other Teletubbies.
Ewa Sowinska, government-appointed children rights watchdog, told a local magazine published on Monday she was concerned the popular BBC children's show promoted homosexuality.
She said she would ask psychologists to advise if this was the case.
In comments reminiscent of criticism by the late US evangelist Jerry Falwell, she was quoted as saying: "I noticed (Tinky Winky) has a lady's purse, but I didn't realize he's a boy."
"At first I thought the purse would be a burden for this Teletubby ... Later I learned that this may have a homosexual undertone."The 10-year-old Teletubbies, which features four rotund, brightly colored characters loved by children around the world, became a target of religious conservatives after Falwell suggested Tinky Winky could be homosexual.
Eh si Pooh kaya bading din?
- »Permalink
- 1 Comments(0)
- Send entry
- Posted by:ria
- Digg this
- Save this
joke! joke! joke!
Spanish teacher: Class use 'fuera' in a sentence.
Student: Mis maestras son bonitas (my teachers are beautiful).
Teacher: Oh, that's very flattering but where's fuera'?
Student: Fuera ka
Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
Nanay: Bat mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina ung top 1 sa klase. Ang tinuro ni ma'am ung
katabi ko. Muntik na ako.
Isang panget na babae, hinoholdap
Holdaper: Holdap ito! Akin na gamit mo!
Babae (sumigaw): RAPE! RAPE! RAPE!
Holdaper: Anong rape? Holdap nga to eh!
Babae: Nagsa-suggest lang.
TEBAN: Pare sinong idol mo?
GOLIATH: Si Arnold Schwarzenegger.
TEBAN: Sige nga, spell Schwarzenegger.
GOLIATH: Hindi, joke lang pare, si Jet Li talaga idol ko.
Sa isang ospital...
Lola (may cancer) : Doc, anong gagawin nyo sa akin?
Doc : Che-chemo lola.
Lola : Titi mo rin!!! Bastos ka!! walang modo!!
Pare1: Pare, ba't naman hanggang ngayon wala ka pang syota? wala ka pa bang napupusuan?Pare2: Meron.. Manhid ka lang!
> (nyahahahaha! )
Nahuling may kodigo ang estudyante.. .
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayers ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!
> Yahoooooo!!!
Sa isang mumurahing airline:
Stewardess: Sir, would you like some dinner?
Passenger: Ano ba ang mga choices?
Stewardess: Yes or No lang po
- »Permalink
- Write comment
- Send entry
- Posted by:ria
- Digg this
- Save this
...i'm crazy about her...
I'm sure alam mo na ang latest. Ogie's revelation about her feelings for Regine, "I'm in love with her, I'm crazy about her and she knows that." Nakakaloka, di ba? Ang haba ng hair ni Regine. I'm anxious to get myself a copy of THE magazine that has the exclusive story. Mahirap na mahuli sa balita. Di naman dahil tsismosa ka.Mahirap lang yung muka kang tanga, wala ka maincontribute man lang kapag yun na ang topic sa office. Di ako maglulunch para makabili nun, pramis!
Actually, di naman masyadong nakakagulat. What they feel inside is apparent when they look at each other. Obvious naman sa mga actions nila. Kulang nalang neon sign na nagsasabi na "oo, kami na!" They seem very much in love at muka naman masaya sila.
Pero the announcement brought forth mix reactions mula sa sambayanang Pilipino, tsismosa or not. Sabi ng iba, long overdue na. Sabi naman ng iba, di na kailangan kasi nga naghuhumiyaw naman sa mga kilos nila. Merong nagulat. Meron nainis. Aamin rin naman pala, padeny deny pa! Meron rin dedma pero gusto malaman kung kelan at pano nga ba nabuo ang relasyon nila.
Maraming natuwa, esp for Regine, kasi finally may jowa na sya. Pero marami rin ang nagsasabing mga imoral sila kasi si Ogie, though hiwalay, ay may asawang tao. Wala na bang mapiling iba si Regine? And where does this leave Michelle?
OO nga, noh? How can two people be happy kung may asawang hiniwalayan? How can there be a happy ending kung alam mong bago pa man mag-umpisa ang relasyon nyo ay may isang pamilyang nawasak? Can a relationship work out kung maraming nakikialam dito? At baket may mga taong sadya yatang hindi masaya para sa kapwa nila?
Ano man mangyari sa relasyon nila Ogie and Regine...I'm sure mababalitaan natin. Abangan...
- »Permalink
- 1 Comments(0)
- Send entry
- Posted by:ria
- Digg this
- Save this